IMPORTANTE ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. hinggil sa pagbubuo ng task force na tututok sa onion smuggling.
Ito ang sinabi ni Samahang Industriya ng Magsasaka (SINAG) President Engr. Rosendo So sa panayam ng SMNI News.
Aniya, mas mabigat ang mga salita ni Pangulong Marcos kung kaya’t mas maoobliga na tututok ang sinumang maatasan na resolbahin ang nabanggit na problema.
Hindi naman huli para kay So ang utos na ito ni Pangulong Marcos.
Kamakailan ay ipinangako ni Pangulong Marcos na hindi na magpapatuloy ang operasyon ng mga smugglers at hoarders.
Kasunod ito sa kaniyang utos na bumuo ng anti-agricultural smuggling task force ang Department of Justice (DSOJ) na tututok sa onion smuggling.