VACC, saludo sa QCPD sa mabilis na pagkakahuli sa suspek sa nangyaring shooting incident sa Ateneo de Manila University

VACC, saludo sa QCPD sa mabilis na pagkakahuli sa suspek sa nangyaring shooting incident sa Ateneo de Manila University

SALUDO ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President Arsenio “Boy” Evangelista sa Quezon City Police District (QCPD) sa mabilis na pagkakahuli sa suspek sa nangyaring shooting incident sa Ateneo de Manila University sa Quezon City nitong linggo.

Nakilala ang suspek na si Dr. Chao-Tiao Yumol, 38 taong gulang mula sa Lamitan City, Basilan at ang mga nasawing biktima na si dating Lamitan Mayor Rose Furigay, Victor George Capistrano, executive assistant ni Furigay; at Bandiola Jeneven na isang security guard ng Ateneo.

Si Furigay ay dumalo sa graduation ng kanyang anak na si Hannah na sugatan din sa naturang pamamaril.

Sinasabing may personal na alitan ang suspek at dating alkalde dahil sa isinampang cyber-libel case ng suspek sa biktima.

Paliwanag ni Evangelista, si Yumol ay isang doktor na hindi na nakapag-practice ng medicine dahil sa patong-patong na kaso nito na isinampa ng biktima na si dating Mayor Furigay.

Naniniwala naman si Evangelista na mag-isa lang ang killer dahil inunahan lamang nito ang biktima.

Sa ngayon, nagpaabot ng pakikiramay si Evangelista sa pamilya ng mga nasawi sa Ateneo de Manila shooting. Umaasa naman si Evangelista na ipagpapatuloy sa panahon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang peace and order na tinutukan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Follow SMNI News on Twitter