ILANG araw matapos ang kanyang pagbaba sa puwesto ay muling binisita ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang matalik na kaibigan, na si Pastor Apollo C. Quiboloy sa The Kingdom of Jesus Christ Headquarters, Davao City.
Ilan sa napag-usapan ng dalawang magigiting na lider ang mga napapanahong usapin ngayon sa bansa at ang kanilang mga plano sa mga susunod na araw.
Naging masaya ang pagkikita ng dalawang lider sa pagkakataon na sila ay muling magkausap at magkasama habang nagsasalo sa isang pribadong hapunan.
Ito ang unang pagkakataon na binisita ng dating Pangulo si Pastor Apollo matapos bumaba ang huli sa kanyang puwesto.
Naghandog din ng isang awitin ang dating Pangulo na inalay niya sa butihing Pastor.
Samantala, sa eksklusibong panayam ng SMNI News sa dating Pangulo, sinabi nito na ini-enjoy niya ngayon ang kanyang kalayaan bilang isang ordinary citizen.
Dagdag pa ni Duterte, masaya na siya ngayon na malaya na niyang nagagawa ang kanyang gustong gawin na hindi niya nagagawa noon na siya’y pangulo pa.
Asahan natin na sa mga susunod na araw ay mapapadalas na ang pagbisita o pakikipagkita ni PRRD lalo na ngayon na isa ng citizen Digong ang dating Pangulo.