PORMAL nang inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang vaccination drive laban sa pertussis o “whooping cough” o matinding ubo.
Partikular sa mabebenepisyuhan ang ilang mga nakatatanda, gayundin ang mga nasa murang edad at mga taong mahina ang immune system o madaling tamaan ng sakit.
Nabatid na ang pertussis ay isang uri ng respiratory tract infection na ngayon ay kumakalat na sa iba’t ibang lalawigan sa bansa kabilang na ang Metro Manila.
Naniniwala ang Caloocan-LGU na mas mainam pa rin na maagapan ang sakit kaysa sa gamutan o prevention is better than cure lalo pa at nakapagtala na sila ng 12 kaso sa lungsod.