Valenzuela City, nilinis ang kanilang lungsod mula sa spaghetti wires

Valenzuela City, nilinis ang kanilang lungsod mula sa spaghetti wires

NILINIS na ng Valenzuela City ang kanilang lungsod mula sa spaghetti wires.

Layunin ng kanilang “Oplan Linis Ganda Cable” ang road safety, mas malawak na espasyo para sa mga residente at matugunan ang traffic congestion sa public highways.

February 2, 2023 nang sinimulan ng lungsod ang paglilinis ng spaghetti wires sa main road nila, ang MacArthur Highway subalit February 22, 2023 pa nang masimulan ang iba pang daanan.

Ipinangako na rin ng city government na agaran nilang tapusin ang paglilinis ng spaghetti wires.

Follow SMNI NEWS in Instagram