NAPAIYAK ang host and comedian actor Ferdinand ”Vhong” Navarro nang inaprubahan ng Taguig Court ang kanyang petition for bail.
Nakalabas si Navarro sa Taguig City Jail Male Dormitory alas-6 ng gabi noong Disyembre 6 matapos itong magpiyansa ng P1 milyon sa Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 69 sa ilalim ni presiding Judge Loralie Cruz Datahan.
Ayon kay Atty. Mariglen Abrahaham-Garduque, collaborating counsel ni Navarro, naging emotional ang aktor nang malaman na na-grant ang kanyang petition dahil magpapasko ito kasama ang kanyang pamilya.
Kasama ng comedian aktor ang kanyang asawa na si Tanya Bautista at ang mga abogado sa kanyang paglabas sa kulungan.
Matatandaang nahaharap sa kasong rape na isinampa ng modelong si Denice Cornejo.