LUMAGDA sa isang military-technical deal ang Vietnam at Russia kasunod ng pagpupulong ng defence chief ng mga ito upang palawakin ang kooperasyon sa kalakalan at teknolohiya ng militar.
Ang bagong kasunduan ng military-technical deal ay nilalayon na muling pasiglahin ang ugnayan sa defence at trade sa pagitan ng dalawang bansa.
Samantala, ikinababahala naman ng Vietnam na ang military deals nito sa Moscow ay posibleng makaapekto sa strategic relationship nito sa Estados Unidos.
Ang Vietnamese-Russian inter-governmental agreement ay nilagdaan noong Disyembre 1 sa pag-uusap ni Russian defense Minister Sergei Shoigu at Vietnamese counterpart nito na si Phan Van Giang.
Ayon naman sa Russian ministry of defense, ang kasunduan ay sumusuporta sa bagong planong militar ng dalawang bansa sa hinaharap.