Vietnam, ibinaba na ang COVID-19 bilang isang pangkaraniwang sakit

Vietnam, ibinaba na ang COVID-19 bilang isang pangkaraniwang sakit

NAGDESISYON ang gobyerno ng Vietnam na italaga ang COVID-19 bilang isang common infectious disease.

Ang desisyon na ito ay inaprubahan ni Deputy Prime Minister Tran Hong Ha tinanggal na ang respiratory disease na sanhi ng coronavirus sa group A, ang listahan ng pinakadelikadong sakit na mabilis kumalat at mayroong mataas na mortality rate.

Kabilang sa grupong inalisan ng COVID-19 ay ang mga sakit na influenza A – H5N1 at lahat ng uri ng pandemya maging smallpox at cholera inilipat naman ito sa group B na binubuo ng iba pang delikadong sakit gaya ng flu, tuberculosis, at dengue.

Nang lumaganap ang COVID-19 taong 2019, inilagay ito sa group A at nagdeklara ng state of emergency pero ang buhay ay naging normal na matapos ang apat na taon kaya naman hindi obligado ang mga residente na sumunod sa anumang restriction.

Ang fatality rate ng sakit na ito ay 0.02% na kapareho o mas mababa sa rate ng isang indibidwal na mayroong iba pang pangkaraniwang sakit.

Follow SMNI NEWS on Twitter