Vietnam, itutuloy na ang SEA games sa May 2022

Vietnam, itutuloy na ang SEA games sa May 2022

TINIYAK na nang Vietnam na matutuloy na ang SEA games sa Mayo sa susunod na taon.

Bubuksan sa buwan ng Mayo sa susunod na taon ang 31st Southeast Asian games, tiniyak ito ng mga Vietnam organizers.

Kahit na walang itinalagang eksaktong schedule ay nagsagawa na ng online meeting ang SEAG Federation kasama si Philippine Olympic committee Pres. Rep. Bambol Tolentino.

Nagkaroon ng kasunduan na makipag-usap sa susunod na host, ang Cambodia kung saan itutuloy na nga ng Vietnam ang hosting nito sa susunod na taon isang taon naman bago mag host ang Cambodia sa taong 2023.

Ayon kay Tolentino, nais ng Cambodia na magkaroon ng isang taong paghahanda para sa nasabing palaro.

Matatandaan na ang 2023 edition ng SEA games ang magiging kauna-unahang pagkakakataon na maghohost ang Cambodia ng nasabing palaro.

Samantala, ang SEA games ay orihinal na naka-set sa Nobyemre 21 hanggang Disyembre 2 ngayong taon pero ito ay kinansela ng Vietnam dahil sa mga restriksyon sa COVID-19.

SMNI NEWS