Vilma Santos, nakatakdang mag-shoot ng pelikula sa Japan kasama si Christopher de Leon

Vilma Santos, nakatakdang mag-shoot ng pelikula sa Japan kasama si Christopher de Leon

IBINAHAGI ng Star for All Seasons na si Vilma Santos na nakatakda itong mag-shoot ng pelikula kasama ang beteranong aktor at kanyang all-time leading man na si Christopher de Leon sa Kyoto, Japan.

Ayon kay Santos, nakatakda silang lumarga ni De Leon sa Japan sa susunod na buwan para sa shooting ng kanilang pelikulang “I’m So In Love With You” na tungkol sa pag-ibig na walang hanggan.

Bukod dito, makakatrabaho rin ng award-winning actress ang acclaimed-director na si Eric Matti.

Matatandaan na noong nakaraan lamang nang magpahiwatig sila Santos at De Leon ng kanaisan nilang magsamang muli sa iisang pelikula.

Follow SMNI NEWS in Twitter