“Cattleya Killer” star na si Arjo Atayde, dumating na sa France para sa MIPCOM Cannes

“Cattleya Killer” star na si Arjo Atayde, dumating na sa France para sa MIPCOM Cannes

DUMATING na ang aktor na si Arjo Atayde sa France upang dumalo sa international premier ng “Cattleya Killer” sa MIPCOM Cannes, na siyang pinaka malaking content market sa buong mundo.

Sa MIPCOM Cannes ay ipepresenta ang pilot ng international sic-part series sa industry decision makers upang makakuha ng global distribution partner.

Ang serye ay tungkol sa imbestigasyon sa pagpatay ng isang copycat ng isang serial killer na tumakot sa Manila dalawang dekada ang nakalipas.

Ang anak ng pulis na siyang namumuno sa kasong ito ang naging pangunahing suspek.

Si Atayde na nanalong best actor sa Asian Academy Creative Awards noong 2020 ang siyang bibida sa serye.

Pagbibidahan din ito nila Jake Cuenca, Christopher de Leon at Zsa Zsa Padilla.

Follow SMNI NEWS in Twitter