INIHAYAG ni Tourism, Arts, and Culture Minister Nancy Shukri na ang mahigpit na visa requirement ang humahadlang sa mga turista sa pagbisita sa Malaysia.
Aniya, inaasahan nila na ang ekonomiya ng bansa ay kikita sa mga turista ng RM28.8-B ngunit dahil sa nahihirapan ang mga ito na makapasok sa bansa ay pinili na lang maglakbay sa ibang lugar.
Gayunpaman, sinabi ni Nancy Shukri na ang target ay maaaring hindi matugunan dahil sa mahigpit na mga panuntunan ng Immigration Department.
Dagdag pa nito na pinaniniwalaan niya na ang mga dayuhan ay hindi makapasok sa bansa dahil sa isyu sa visa.
Samantala, sinabi ni Nancy Shukri na hindi nila gusto na ang Malaysia ay maging pangalawa o pangatlo lamang sa mga pagpipilian ng mga manlalakbay na destinasyon.