ILALAGAY sa yellow alert ang Visayas grid ngayong gabi.
Sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), dahil ito sa pagnipis ng reserba sa kuryente.
Epektibo ang yellow alert mula 6 – 8 pm.
Sa kabilang banda, matatandaang inanunsiyo na rin ng NGCP na lumagpas na ang electricity demand ng Luzon kung ikukumpara noong 2022.
Sa datos, umabot na sa 12,235 megawatts ang power demand sa Luzon.
Mas mataas ito sa 12,113 megawatts noong 2022.