Mahigit 1-k titulo ng lupa, naipamahagi sa ARBs sa Central Luzon

Mahigit 1-k titulo ng lupa, naipamahagi sa ARBs sa Central Luzon

NAIPAMAHAGI na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang nasa 1,073 titulo ng lupa sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa Central Luzon.

Saklaw ng ipinamamahaging lupa ang nasa 1,170 ektarya ng lupang sakahan sa rehiyon.

Pinangunahan nina DAR Secretary Conrado Estrella, Senators Imee Marcos at Francis Tolentino ang naturang aktibidad na isinagawa nitong Huwebes, Abril 27.

Ayon kay Estrella, bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa ahensiya na paigtingin pa ang pamamahagi ng mga titulo ng lupa para mapalaya ang mga magsasaka sa pagkakaalipin sa kanilang mga lupang sakahan at maiangat ang kanilang pamumuhay.

Dagdag pa ni Estrella, ang mga ARB na nakatanggap na ng kanilang lupa ay hindi na magbabayad kapag malagdaan na ng Pangulo ang New Agrarian Emancipation Act.

Bukod sa titulo ng lupa, namahagi rin ang DAR ng iba’t ibang makinang pangsakahan at loan packages sa mga ARB organization.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter