MAGSISIMULA na muli ang voter registration sa Pebrero 12 ayon sa Commission on Elections (COMELEC).
Kasabay rito ay ilulunsad rin ng COMELEC ang Register Anywhere program para mas marami ang makakapag-rehistro at makaboto sa 2025 midterm elections.
Binalaan ng komisyon na hindi maaaring magparehistro ng ilang beses ang isang botante.
Ang sinumang mahuli ay maaring kasuhan ayon kay COMELEC Chairman George Garcia.