INIHAYAG ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na pinag-uusapan na nila ang muling pagbubukas ng voter registration sa buwan ng Nobyembre para sa Brgy. at SK Elections (BSKE).
Ito ay kung tuluyang magiging batas ang panukala na i-postpone ang BSKE sa buwan ng Disyembre at gawin sa taong 2023.
Maliban pa dito, sa posibilidad na magkakaroon ng resumption sa vote registration dahil sa panukala ay inaasahan na ng komisyon ang paglobo ng bilang ng botante.
Ayon kay Laudiangco, maaring magkaroon ng 70-71M na botante para sa BSKE sa 2023.