NASA Malaysia si Vice President Sara Duterte para sa kaniyang mandato bilang Southeast Asian Ministers of Education Organization Council (SEAMEO) President.
Dumating si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa bansang Malaysia nitong Lunes ng gabi, Pebrero 12.
Makikipagpulong si VP Duterte sa ilang opisyal ng gobyerno sa nasabing bansa para tuparin ang kaniyang mandato bilang Pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization Council (SEAMEO).
Kabilang na rito sina Malaysian Minister of Education Ms. Fadhlina Sidek at Deputy Prime Minister, Dato’ Sei Fadillah Yusof.
Bibisita rin si VP Duterte sa SEAMEO Regional Center of Excellence sa Malaysia.
Tutungo rin ang Pangalawang Pangulo sa Setapak Vocational College, isang polytechnic college na pinapatakbo ng Ministry of Higher Education ng nasabing bansa.
“Gusto niya pang makita pa kung paano tayo matuto from that. And also in the line with Department of Educations’ ‘yung MATATAG Curriculum na finofocus ‘yung hindi lang ang kagalingan sa academics tsaka sa technical skills kundi pati rin sa resilience, inclusivity, at tsaka civic mindedness,” saad ni Maria Angela Ponce, Ambassador, Embassy of the Republic of the Philippines Kuala Lumpur.
Samantala, magkakaroon naman ng meet and greet si VP Duterte sa mga Pilipino sa Malaysia.
“It’s just sit down dinner, dinner kasama sila. And of course, I’m sure, usual na kamustahan sa mga kababayan kasi napansin ko excited iyan sila kapag mayroong mga Pilipino na bumibisita sa kanilang lugar. And syempre ang kanilang mga issues and concerns as Filipinos working abroad,” pahayag ni Vice President Sara Duterte, Republic of the
Ayon pa kay VP Duterte na kaniyang ipapaabot ang mga mensahe ng pagmamahal sa mga OFW sa Malaysia mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Tinatayang nasa 180,000 na mga Pinoy ang kasalukuyang nasa Malaysia kabilang ang mga professional, skilled workers, laborers, at household workers.
Pagbisita ni VP Duterte sa Malaysia, mahalaga sa bilateral relations ng dalawang bansa
Binigyang-diin naman ni Ambassador Maria Angela Ponce, Embassy of the Republic of the Philippines Kuala Lumpur ang kahalagahan ng pagbisita ni Vice President Duterte sa Malaysia.
“Ngayong 2024 we are celebrating the 60th anniversary of Philippines-Malaysia bilateral relations. Para sa mga Filipinos na nandito sa Malaysia we are very proud na that the Vice President is able to come here to represent us. And hindi lang bilateral kungdi bilang President ng Southeast Asian Ministers of Education Organization Council President Council,” saad ni Maria Angela Ponce, Ambassador, Embassy of the Republic of the Philippines Kuala Lumpur.