MATAGUMPAY na nakabuo ang North Korea ng bagong Ballistic Control System para sa maraming rocket launcher ng bansa.
Ayon sa ulat ng KCNA, ang Academy of Defense Science, na siyang nangangasiwa sa pag-unlad ng missile ay nagsagawa ng ballistic control test firing ng 240-mm caliber controllable multiple rocket launcher Shell noong linggo.
Dagdag pa nito, ang strategic importance ng 240 mm-caliber multiple rocket launcher ay muling pag-aaralan pagdating sa larangan ng digmaan dahil sa tinatawag nitong rapid technical improvement.
Ayon sa ulat, ang pagbuo ng Shell at Ballistic Control System ay gagawa ng malaking pagbabago sa maraming rocket launcher force ng militar.
Ang isinagawang paglulunsad noong linggo ay kasunod sa maraming missile test ng North Korea nitong mga nakaraang buwan at dahil na rin sa lumalagong ugnayan sa pagitan ng Pyongyang at Moscow, mga hakbang na lubos ring binatikos ng Amerika at ng mga kaalyado nito na siyang nagpatindi sa mainit na tensyon sa Korean peninsula.