SA talumpati ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng ika-122 Police Anniversary sa lalawigan ng Caraga ay binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng confidential funds.
Ayon kay VP Inday Sara na siya ring Department of Education (DepEd) Secretary, napakahalaga ng confidential funds upang mapanatili ang kaayusan ng takbo ng peace and order lalo na sa pag-iwas sa mga kabataan na ma-recruit ng makakaliwang grupo.
‘‘Mga kababayan, I stand before you to shed lights on the crucial role of the confidential funds in ensuring the security and developments of our beloved nation in pursuit of progress is a operative that we prioritized the wellbeing of our citizens in safeguard the peace and order that under then in our society. Let us remember that security and development do not come with the price tag, they are the very essence of a thriving nation,’’ ayon pa kay VP Sara Duterte.
Pagbibigay-diin pa ng pangalawang pangulo, na kung sinuman ang tutol sa confidential funds ay ayaw sa kapayapaan.
‘‘Anyone who attacks or undermine funds allocated for peace and order is naturally assumed to have insidious motivation such actions go against the protection and wellbeing of the citizenry. Though, who seek to compromised the security and development of our nation jeopardized the fabric of our society and hinder our progress. We must remain vigilant and steadfast in our commitment to safeguarding our people and our nation,’’ dagdag pa ni VP Sara.
Sa huli pinuri ni VP Sara ang sakripisyo at kabayanihan ng hanay ng kapulisan upang mapanatili ang takbo ng peace and order sa bansa.
‘‘We only have our Philippine National Police (PNP) in front of us, at the other side is chaos in the country that is going their way. That is why, ‘yan lang din ang mga simpleng aming maibigay o ma-e-share na advice sa inyo, huwag lang ninyo silang tulongan at huwag lang din kayo ang maging criminal. ‘Yan lang ang hinihingi namin sa inyo. Inuulit ko, ang aming pagpapasalamat. Marami sa inyo ang nagsasakripisyo, malayo sa pamilya, hindi nakikita ang mga anak dahil sa trabaho ninyo. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Ang ating bansa ay magiging matatag, magiging mapayapa kung tayo ay magtulongan. Always remember that the PNP will always have a friend in the Office of the Vice President (OVP),’’ pahayag pa ni VP Sara.