VP Duterte, sinagot ang estado ng relasyon nila ni PBBM kasunod ng mensahe ni FPRRD, kapatid

VP Duterte, sinagot ang estado ng relasyon nila ni PBBM kasunod ng mensahe ni FPRRD, kapatid

NASA Malaysia si Vice President Sara Duterte para tuparin ang kaniyang mandato bilang Pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization Council.

Ito na ang pangatlong bansa na kaniyang binisita bilang SEAMEO Council President kabilang ang Brunei at Singapore.

Sa kaniyang pagdating sa Malaysia, sinagot ni VP Duterte ang ilang mga tanong patungkol sa iba’t ibang isyu sa bansa.

Kabilang na rito ang estado ng relasyon nila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ang kamakailangang pangyayari sa politika.

”We have no problem with each other. President Marcos and I are doing good. We are okay in terms of our relationship, both personal and working relationship,” pahayag ni Vice President Sara Duterte, Republic of the Philippines.

Sinabi naman ni Vice President Duterte na hindi pa sila nagkakausap ng kaniyang mga kapatid at ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Iyan ay matapos silang naglabas ng sentimyento laban kay Marcos sa Prayer Rally sa Davao City.

Pero nagkausap na kaya sila ng Pangulo ukol dito?

“Wala. Hindi naman nagtanong sa akin si Pangulong Marcos sa mga sinabi ng aking kapatid at ng aking tatay,” dagdag ni VP Duterte.

Hindi naman nakaligtas si VP Duterte sa tanong kung kumusta ang estado ng kanilang relasyon ni First Lady Liza Marcos.

“I have no comment as of this time,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble