VP-elect Sara Duterte, tatanggap ng magkakasunod na courtesy call ngayong araw

VP-elect Sara Duterte, tatanggap ng magkakasunod na courtesy call ngayong araw

NAKATAKDANG isagawa ngayong araw ang courtesy call kay Vice President-elect Sara Duterte ng mga foreign delegations.

Inaasahan na maraming bisita ngayon na kahaharapin ni Vice President-elect Sara Duterte kung saan ang kaganapan ay gagawin mismo sa Sofitel, CCP Complex, Pasay City.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga delegasyon na inaasahang darating ay mula sa France, USA, Japan, Laos, Vietnam, at China.

Ang mga tawag ng naturang kaganapan ay magsisimula ng 1pm at matatapos ng 8pm.

Bukod dito, nakatakda rin ang pag-courtesy call ni Japanese Foreign Minister Hayashi Yoshimasa kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa tanggapan ng DFA.

Si FM Hayashi ay isang special envoy ng Japanese government para sa inauguration ni President-elect Ferdinand R. Marcos, Jr. bukas, Hunyo 30.

Samantala ayon kay MIAA Media Affairs Division Office tuloy tuloy pa rin ang pagdating sa bansa ng mga foreign delegation para dumalo sa inauguration ni PBBM.

Follow SMNI NEWS in Twitter