WALA pa ring nakakatalo kay Vice President Sara Duterte at nananatili itong may pinakamataas na trust rating sa apat na malalaking government officials sa bansa.
Sa Hunyo 17-24 na survey ng Pulse Asia, 71% ang nakuha nito.
Nasa 8% lang ang hindi nagtitiwala rito batay sa resulta.
Sinundan si VP Sara ng bagong Senate President na si Chiz Escudero.
May 69% ito na trust rating habang 5% sa respondents ang hindi naniniwala.
Pangatlo si Pangulong Bongbong Marcos Jr. na may 52% trust ratings at panghuli si House Speaker Martin Romualdez na may 35%.