VP Sara, binisita ang mga residente ng Brgy. Mayamot sa Antipolo City

VP Sara, binisita ang mga residente ng Brgy. Mayamot sa Antipolo City

BINISITA ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga residente ng Brgy. Mayamot sa lungsod ng Antipolo.

Masayang tinanggap ng mga residente si VP Duterte kung saan nagbigay naman ng paalala ang Bise Presidente sa mga bata at mga magulang.

Pinaalahanan nito ang mga bata na mag-aral nang mabuti at para naman sa mga magulang na siguruhin ang edukasyon ng kanilang mga anak.

Pagbabahagi pa ng Bise Presidente na taos-puso niyang kinikilala at pinahahalagahan ang ang tulong at suporta ng mga taga-Antipolo mula pa noong simula.

Ito aniya ay nagbibigay inspirasyon sa patuloy niyang paglilingkod sa ating bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter