VP Sara, binisita ang Pedro D. Duncano National High School sa Butuan City

VP Sara, binisita ang Pedro D. Duncano National High School sa Butuan City

BINISITA ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang Pedro D. Duncano National High School sa Tiniwisan, Butuan City, Abril 11, 2024.

Isa ito sa mga piling eskwelahan na nagpapatupad ng MATATAG K to 10 Curriculum.

Sa pagharap sa mga mag-aaral at guro, ipinaabot ni VP Sara ang kahalagahan ng edukasyon. Pinangunahan niya ang diskusyon tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral at pagtatapos na siyang magbubukas ng maraming oportunidad sa hinaharap.

Kasabay rito, nakipag-ugnayan din siya sa mga guro at punong guro upang matukoy ang mga pangangailangan ng paaralan at suriin kung paano pa maaaring makatulong ang Kagawaran ng Edukasyon.

Muli, binigyang-pugay ni VP Sara ang dedikasyon ng mga guro sa paglilingkod sa ating mga mag-aaral.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter