Mga foreigner na naaresto sa POGO hub sa Tarlac, isinalang na sa arraignment

Mga foreigner na naaresto sa POGO hub sa Tarlac, isinalang na sa arraignment

PORMAL nang isinalang sa arraignment ang walong dayuhan na unang sinampahan ng mga kasong illegal detention at human trafficking sa Capas Regional Trial Court (RTC).

Nauna diyan ay ni-raid nang pinagsanib na puwersa ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang Zun Yuan Technology sa Bamban Tarlac noong Marso matapos ang mga sumbong na ikinukulong sa gusali at sinasaktan ang ilang mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) worker.

Sa arraignment proceeding ng mga akusado, naghain ng not guilty plea ang limang Chinese at dalawang Vietnamese, habang nagmosyon naman ang Malaysian general manager at hiniling na ibalik sa prosecutor ang kaso para isalang siya sa preliminary investigation.

Samantala, ibinasura naman ng piskalya ang mga reklamo sa Pinay na middle manager umano sa naturang POGO at inabsuwelto ito sa kaso.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble