SA pagbubukas ng 2024 Palarong Pambansa kahapon, Hulyo 9, 2024, binisita ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang Cebu City Medical Center ang mga atleta, trainor at coach na hindi nakadalo sa Opening Ceremony ng 2024 Palarong Pambansa na ginanap kahapon, Hulyo 9, 2024 sa Cebu Sports Center.
Sila ay nagmula sa iba’t ibang rehiyon at na-admit sa ospital dahil sa iba’t ibang karamdaman. Marami sa kanila ang nanghihinayang na hindi sila nakadalo sa Opening Ceremony kaya minabuti ni VP Sara na bisitahin at dalhin sa kanila ang diwa ng Palarong Pambansa.
Isa aniya sa pakay ng pagbisita ng pangalawang pangulo ay upang bigyan ng moral na suporta ang mga kalahok at hindi sila panghihinaan ng loob.
“Sa aming pagpupulong sa preparasyon ng Palarong Pambansa ngayong taon, siniguro natin na handa at maayos ang medical team para mabigyan ng maayos at agarang medical assistance ang mga atletang kalahok, coaches, teachers at lahat ng bumubuo sa Palarong Pambansa kung kinakailangan ng medical attention.”
“Maraming salamat sa Lokal na Pamahalaan ng Cebu City sa walang humpay na suporta sa Kagawaran ng Edukasyon lalo na sa paglalaan ng special ward para sa mga kalahok sa 2024 Palarong Pambansa,” pahayag ni VP Sara Duterte.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.