DUMALO si Vice President Sara Duterte sa Inday Sara Duterte Advocacy (ISDA) Foundation Inc. Christmas Party 2023 na ginanap sa Bangkal, Davao City nitong Enero 8, 2024.
“Taos-puso po akong nagpapasalamat sa patuloy na ibinibigay na suporta ng Inday Sara Duterte Advocacy (ISDA) Foundation Inc. simula pa halalan noong Mayo 2022 magpahanggang ngayon na ako ay naging bise presidente at Secretary of Department of Education,” ayon kay VP Sara Duterte.
“Masaya rin ako sa inihandog ng ISDA sa 100 pamilya ng mga kapatid nating Indigenous Peoples (IPs) mula sa boundary ng Davao City at Bukidnon,” dagdag ni VP Sara.
Layunin ng ISDA na suportahan, isulong, at itaguyod ang kampanyang “Sara Cares”.
Ito ay isang lokal na organisasyon na nabuo kung saan ang pangunahing inspirasyon ay ang pamumuno at ang intensiyon na maihatid ang mga produkto, serbisyo, at access sa kalusugan doon sa mga malalayong lugar partikular na sa mga magsasaka at mangingisda.