VP Sara, dumalo sa Partners’ Appreciation and Recognition ng DepEd

VP Sara, dumalo sa Partners’ Appreciation and Recognition ng DepEd

 DUMALO si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa ginanap na Partners’ Appreciation and Recognition noong Pebrero sa GSIS Center sa Pasay City.

Ito ay upang kilalanin at pasalamatan ang mga naging katuwang ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagtupad sa kaniyang mandato.

Umabot sa 173 na mga kasosyo ang dumalo, kabilang ang mga embahada mula sa iba’t ibang bansa, mga organisasyon sa pananaliksik, mga non-governmental organizations, mga lokal na pamahalaang yunit, at ang pribadong sektor.

“Taos-puso ang aking pasasalamat sa inyong tulong at suporta sa Kagawaran ng Edukasyon. Ang inyong ambag sa Kagawaran ay isang malaking tulong sa paghubog ng matatag na mag-aaral tungo sa isang matatag na bansa,” pahayag ni VP Sara Duterte.

“Aking sinabi na ‘malayo na, pero malayo pa,’ ngunit hangga’t nandiyan po kayo na patuloy na sumusuporta, tiyak na mayroong pag-asa na maaabot ang mga pangarap ng bawat mag-aaral na Pilipino,” aniya.

Follow SMNI NEWS on Twitter