VP Sara Duterte, Best Cabinet Secretary—Roque

VP Sara Duterte, Best Cabinet Secretary—Roque

PINAKAHAHANGAANG gabinete ng kasalukuyang administrasyon si Vice President Sara Duterte.

Ito ang binigyang diin ni dating Presidential Spokesperson Atty Harry Roque.

Sa gitna ng panawagan na magbitiw ito bilang Education Secretary, sinabi ni Roque na maituturing na ‘crown jewel’ sa burukrasya si Inday Sara kaya bakit tatanggalin ang nangungunang may mataas na trust at approval rating.

Ayon pa sa dating Palace official, alam ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na kung hindi dahil sa pangalawang pangulo ay wala siya ngayon sa posisyon.

Una namang ipinagtanggol ni PBBM ang bise presidente.

Binigyang-diin ni Marcos na mananatili ang pangalawang pangulo bilang kalihim ng edukasyon.

Idinagdag din nito na ang mga miyembro ng gabinete ay tatanggalin lamang sa kanilang puwesto kung sila ay hindi mahusay sa kanilang tungkulin o kurap.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble