VP Sara Duterte, dumalo sa Bagong Pilipinas kick-off rally sa Maynila at sa prayer rally sa Davao City

VP Sara Duterte, dumalo sa Bagong Pilipinas kick-off rally sa Maynila at sa prayer rally sa Davao City

DUMALO si Vice President Inday Sara Duterte sa dalawang magkahiwalay na rally na isinagawa nitong araw ng Linggo, Enero 28, 2024.

Unang dinaluhan ng pangalawang pangulo ang Bagong Pilipinas kick-off rally na isinagawa sa Quirino Grandstand sa lungsod ng Maynila.

Kung saan inilahad ni VP Sara ang commitment ng kaniyang pinamumunuang ahensiya, ang Department of Education (DepEd), para sa paghubog ng mga kabataang Pilipino.

Dumating din ang pangalawang pangulo sa isinagawang prayer rally sa Rizal Park sa lungsod ng Davao kung saan nagpahayag ng pasasalamat si VP Sara sa suporta hindi lang ng mga Dabawenyo kundi ng lahat ng Pilipino.

Partikular na sa laban ng mga Pilipino laban sa Charter Change kung saan ipinunto ng pangalawang pangulo na dapat manindigan ang Pilipino laban sa pagbabago sa Salitang Batas sa pamamagitan ng pera kapalit ng pirma para sa People’s Initiative (PI).

Dumalo naman sa naturang prayer rally ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, at ang mga kapatid na sina Davao City First District Representative Pulong Duterte at Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble