PINAGBIBITIW sa puwesto ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Ito ay matapang na hamon ng alkalde ng Davao sa isinagawang Hakbang Maisug Leaders Forum sa Davao City nitong araw ng Linggo.
Ipinunto ni Baste sa gitna ng nangyayari ngayon sa bansa kung saan kung wala aniyang ‘pagmamahal at aspirations para sa bansa’ ang Pangulo ay mas mainam na magbitiw na ito sa puwesto.
Dagdag pa ng batang Duterte, ginagamit lang ng ilang personalidad na nasa likod ng kontrobersiyal na People’s Initiative (PI) para manatili ang mga ito sa kanilang posisyon.
Binigyang-diin ng Davao Mayor na dapat ipagpatuloy ng kasalukuyang administrasyon ang mga nasimulang programa ng nakaraang administrasyon ng kaniyang amang si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Partikular na dito ang kampanya laban sa ilegal na droga, kriminalidad at terorismo.
