VP Sara Duterte hinimok ang mga Muslim na ipanalangin ang kapayapaan at pagpapatawad ngayong Ramadan

VP Sara Duterte hinimok ang mga Muslim na ipanalangin ang kapayapaan at pagpapatawad ngayong Ramadan

HINIMOK ni Vice President Sara Duterte ang mga kapatid na Muslim na makiisa sa panalangin para sa kapayapaan at pagpapatawad, hindi lamang sa personal na buhay kundi para din sa buong bansa.

Ito ay sa pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan.

Ayon kay VP Sara, ang Ramadan ay hindi lamang isang panahon ng pag-aayuno kundi isang pagkakataon upang magnilay at isabuhay ang mga halaga ng sakripisyo at pagsunod sa landas ng kaliwanagan at biyaya.

Binibigyang-diin niya na sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng bawat isa at ng bayan, ang sama-samang pananalangin ay maaaring maging daan tungo sa pagkakaisa at paghilom.

Pinaalalahanan din niya ang lahat na manatiling matatag sa pananampalataya habang hinaharap ang mga hamon ng buhay, dala ang pag-asa para sa isang mas maayos at mas inklusibong kinabukasan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble