VP Sara Duterte kinuwestiyon sa Korte Suprema ang legalidad ng ikaapat na impeachment laban sa kaniya

VP Sara Duterte kinuwestiyon sa Korte Suprema ang legalidad ng ikaapat na impeachment laban sa kaniya

KINUMPIRMA ng Korte Suprema na naghain ang Pangalawang Pangulo ng Petition for Certiorari and Prohibition laban sa kaniyang impeachment case noong Pebrero 18, 2025.

Ayon sa Fortun Narvasa and Salazar Law Firm, hiniling ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang petisyon na manghimasok na ang Korte Suprema.

Ito ay upang tiyakin ang tamang proseso at suriin ang mga seryosong legal at constitutional concerns patungkol sa nasabing isyu.

“The petition seeks judicial intervention from the High Court to uphold due process and raises serious legal and constitutional concerns,” pahayag ng Fortun Narvasa and Salazar Law Firm.

Anila, naniniwala ang Bise na tutuparin ng Korte Suprema ang tungkulin nitong pangalagaan ang mga demokratikong prinsipyo at ipatupad ang batas.

“The Vice President, for her part, trusts that the Supreme Court will exercise its constitutional duty to safeguard democratic principles and uphold the rule of law,” dagdag na pahayag ng law firm.

Maliban sa mga abogado ng Fortun Narvasa and Salazar Law Firm, isa rin si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga legal counsel ni VP Sara sa kaniyang petisyong inihain sa Korte Suprema laban sa kaniyang impeachment case.

Kabilang din sa defense team ni VP Sara ang kaniyang father-in-law na si Atty. Lucas Carpio Jr.

Nito ring Martes, dumulog din sa Korte Suprema ang ilang Mindanawon lawyers at political vloggers para ipatigil ang impeachment proceedings laban kay Vice President Duterte.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble