VP Sara Duterte, mananatiling kalihim ng DepEd—PBBM

VP Sara Duterte, mananatiling kalihim ng DepEd—PBBM

MANANATILING kalihim ng Department of Education (DepEd) si Vice President Sara Duterte.

Ayon ito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kahit pa marami ang nananawagan na bumaba na si VP Sara sa puwesto.

Kung matatandaan, dumalo ang pangalawang pangulo sa Bagong Pilipinas Kick-off Rally sa Quirino Grandstand noong Enero 28, 2024 subalit hindi sila nagkausap o nagkita ni Pangulong Marcos doon dahil tumungo na ito sa Davao City kung saan isinagawa naman ang isang prayer rally na pinangunahan ng kaniyang ama.

Sa kabila rito, para kay Pangulong Marcos, hindi nagbago ang relasyon niya kay VP Sara.

Ito’y kahit pa binanatan din siya ng ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Nauna nang sinabi ni VP Sara na manananatili siyang masigasig sa kaniyang tungkulin sa DepEd hangga’t hindi siya aalisin dito ng Punong Ehekutibo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter