VP Sara Duterte, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

VP Sara Duterte, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

NAGPAABOT ng pakikiramay si Vice President Sara Duterte sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.

Pumunta si VP Duterte sa British Ambassador’s Residence para sa signing ng condolence book nitong hapon ng Huwebes.

Sinalubong ang bise presidente ni British Embassy Manila Political Counsellor lain Cox, na tumayo bilang kinatawan ng British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils.

Ayon kay VP Duterte na nakikiisa siya sa Royal Family, mga British people, at sa milyun-milyong tao sa buong mundo sa pagluluksa sa pagpanaw ng pinakamatagal na namunong monarch sa kasaysayan ng Britanya.

Follow SMNI NEWS in Twitter