VP Sara Duterte, perfect maging ES ni PBBM –Pastor Apollo C. Quiboloy

VP Sara Duterte, perfect maging ES ni PBBM –Pastor Apollo C. Quiboloy

NANINIWALA si Pastor Apollo C Quiboloy na maganda ang maidudulot sa bansa kung si VP Sara Duterte ang magiging Executive Secretary (ES) ng presidente.

Sang-ayon si Pastor Apollo C. Quiboloy sa naging mungkahi ni dating Chief Legal Counsel ng dating administrasyon Atty. Salvador Panelo na dapat si Vice President Duterte ang gawing Executive Secretary ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Para kay Pastor Apollo, isa itong magandang ideya.

Umaasa ang butihing Pastor na makakaabot ang panukala kay Pangulong  Marcos at aniya’y dahil dito bibitbitin ng dalawang pinakamataas na opisyal ang bansa sa kabutihan.

Una nang ipinanukala ni Panelo ang pagiging ES ni Vice President Duterte kasabay ng pagpapaliwanag na ang bise presidente ang dapat kapartner ng Pangulo sa pamamahala ng bansa.

At sa pambihirang pagkakataon aniya ay may katandem na ang Pangulo na hindi tulad noon na magkalaban.

Kung si VP Duterte aniya ang magiging executive secretary ni Pangulong Marcos ay mas mababantayan ang lahat ng kagawaran.

Dagdag pa ni Panelo na si VP Duterte ay matapang, may malasakit at mapagkakatiwalaan pa ng Pangulo.

Follow SMNI News on Twitter