VP Sara, hindi nanood ng SONA—OVP

VP Sara, hindi nanood ng SONA—OVP

HINDI nanood si Vice President Sara Duterte ng ika-3 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa TV o gadgets, ayon sa Office of the Vice President (OVP).

Sabi ng OVP, si Vice President Sara ay nasa Bohol upang makiramay sa mga Boholano sa pagkasawi ng kanilang Vice Governor at upang pasiglahin ang kalooban ng mga tao kasunod ng pansamantalang pagkasuspinde ng kanilang duly-elected local officials.

“She is currently in Bohol to empathize with the Boholanos for the death of their Vice Governor, as well as to uplift the general mood of the people brought about by the suspension of their duly-elected local officials,” ayon sa OVP

Dagdag pa ng OVP na dahil ngayon ay Bohol Day, tamang pagkakataon ito para sa Bise Presidente na magbigay ng mensahe ng pag-asa para sa mga taga-Bohol.

“It is also Bohol Day today, which makes it an opportune time for the Vice President to bring a message of hope — na may Diyos na nagbabantay sa atin, at sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagsisikap, magagawa nating ayusin ang bayan muli,” dagdag pa nito.

Pagpunta ni VP Sara sa Bohol, mahalaga—political commentator

Para sa isang political commentator, mahalaga ang pagpunta ni Vice President Duterte sa nasabing lalawigan.

“Alam mo importante iyan eh. Doon po sa hindi nakakabatid, 63 officials ng lalawigan ng Bohol ang sinuspinde ng kasalukuyang administrasyon. 63 magmula gobernador, mayor, kapitan ng barangay, barangay councilor, council men ng mga bayan. Kaya importante diyan na iparating ng gobyerno sa pamamagitan siguro ng bise presidente, ‘yung pakikiisa,” ayon kay Jay Sonza, Political Commentator.

Para kay Sonza, nag-ugat ang pagkasuspinde ng mga local official sa Bohol matapos nakakuha ng mababang trust at approval ratings si Marcos Jr. sa nasabing lalawigan.

SONA ni Marcos Jr., tinawag na State of No Achievement ng isang political analyst

Tinawag naman ng isang political analyst ang SONA ni Marcos Jr. na State of No Achievement dahil aniya ay wala naman talagang nagawa ang pangulo.

“Dahil sa ito na ho ang pangatlong State of No Achievement ng ating pangulo. Iyan ang ibig sabihin ng SONA. Mukhang our president is having a failure to launch. Dalawang taon na ang nakakalipas mula noong siya ay sumumpa sa pagka-pangulo pero hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ang taumbayan kung may ibubuga talaga ito si Bongbong Marcos,” ayon naman kay Ado Paglinawan, Political Analyst.

Mga nagawa ng DepEd sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara, tanging napagtagumpayan ng administrasyong Marcos

Dagdag pa ni Ado Paglinawan na ang kaisa-isa lamang na nagawa ni Marcos Jr. sa loob ng dalawang taon ay ang mga napagtagumpayan ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President at dating Education Secretary Sara Duterte.

“Mayroon naman siyang achievement. Ang kaisa-isa niyang achievement ay ‘yung performance ni Ginang Sara Duterte sa Department of Education. Iyan ay ang pagtatag ng sitenta porsyentong reporma ng ating curriculum para sa ating K to 10 students sa public school system. Nakakatuwa na ang only achievement ng ating pangulo after two years ay achievement pa ni Sara Duterte. It’s an irony that we Filipinos… I don’t know if this is a celebration or a wake of an administration,” dagdag pa ni Paglinawan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble