VP Sara, nagpasalamat kay PBBM sa patuloy na pagtitiwala

VP Sara, nagpasalamat kay PBBM sa patuloy na pagtitiwala

NAGPASALAMAT si Vice President Inday Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa patuloy na pagtitiwala ng Pangulo sa kaniya bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ito’y kasunod ng pahayag ni First Lady Liza Marcos na ‘bad shot’ na sa kaniya ang pangalawang pangulo.

Na sinususugan naman ng panawagan ng ilang opisyal ng pamahalaan na dapat nang tanggalin ng Pangulo bilang kalihim ng DepEd si VP Sara.

Pero nagpahayag si Pangulong Marcos na wala itong nakikitang dahilan para tanggalin si VP Sara sa kaniyang gabinete.

Kaugnay nito, muling tiniyak ni VP Sara sa Pangulo na magpapatuloy ang DepEd, na binubuo ng mga guro at non-teaching personnel, na patuloy na maglilingkod ng tapat para sa kinabukasan ng bawat mag-aaral.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter