SA isang mensahe, sinabi ni Vice President Sara Duterte na mahalaga ang pagkilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa papel ng lahat ng bumubuo ng Department of Education (DepEd) sa pagsusulong ng 8-point Socioeconomic Agenda ng gobyerno para sa isang Bagong Pilipinas.
Pinasalamatan din ng pangalawang pangulo ang Presidente sa paggalang sa kaniyang mga paninindigan kabilang na ang pagtutol sa “Pera kapalit ang pirma sa People’s Initiative.”
Samantala, nirerespeto rin daw niya ang mga pananaw at opinyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte pati na ng kaniyang mga kapatid.
Pero katulad ng kaniyang posisyon sa maraming mga isyu, hindi kailangang sumang-ayon siya sa lahat ng ito.
Pinalaki aniya siya ng kaniyang mga magulang na may pagpapahalaga sa malayang pag-iisip at pagpapasya.
Sa huli sinabi ni VP Sara na uunahin niya ang katapatan niya sa paglilingkod sa bayan, ang pagkakaloob ng de kalidad na edukasyon para sa mga kabataan at pagkakamit ng tunay na kapayapaan para sa buong Pilipinas.