VP Sara, nirerespeto ang pahayag ni FPRRD at ng mga kapatid nito

VP Sara, nirerespeto ang pahayag ni FPRRD at ng mga kapatid nito

NAGSALITA na si Vice President Sara Duterte patungkol sa naging pahayag ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng kaniyang mga kapatid na sina Mayor Sebastian Duterte at Congressman Paolo Duterte.

Sinabi ng pangalawang pangulo na nirerespeto niya ang mga pananaw ng dating pangulo pati na ng kaniyang mga kapatid pero may paglilinaw ito.

 “Ngunit, katulad ng posisyon ko sa maraming mga isyu, hindi kailangan na sumasang-ayon ako sa lahat ng mga ito. Pinalaki ako ng aking mga magulang na may pagpapahalaga sa malayang pag-iisip at pagpapasya,” paglilinaw ni Vice President Sara Duterte.

Pagbibigay-diin ni Vice President Duterte na uunahin niya ang katapatan niya sa paglilingkod sa bayan, ang pagkakaloob ng de kalidad na edukasyon para sa mga kabataan at pagkakamit ng tunay na kapayapaan para sa buong Pilipinas.

Matatandaan na kamalailan lang sa prayer rally sa Davao City, ibinulgar ni dating Pangulong Duterte na isang drug addict si Pangulong Marcos.

Nagpahayag naman si Mayor Baste ng pagkadismaya sa Pangulo at ipinanawagan ang kaniyang pagresign.

Si Congressman Pulong ay hindi naman napigilang ilabas ang kaniyang hinaing sa mga isyu kabilang na ang People’s Initiative (PI) at laban kay House Speaker Martin Romualdez.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble