VP Sara, nagsalita sa pagkakadawit sa kaniya sa umano’y Davao Death Squad

VP Sara, nagsalita sa pagkakadawit sa kaniya sa umano’y Davao Death Squad

NAGSALITA si Vice President Sara Duterte sa pagkakadawit sa kaniya hinggil sa umano’y Davao Death Squad.

Sa mga taon aniya na nagsilbi siya bilang Vice Mayor at Mayor ng Davao City, ni minsan ay hindi napag-usapan o naiugnay ang kaniyang pangalan sa naturang isyu.

Subalit aniya, matapos itong manalo bilang Vice President, bigla na lang nagkaroon ng testigo laban sa kanya at ngayon ay kasama na ito sa mga akusado sa International Criminal Court (ICC).

“Hindi ko kailangan ng death squad para sa mga bagay na kaya kong gawin.”

“Gayunpaman, haharapin ko ang anumang akusasyon laban sa akin.”

“But I will only face any charge against me before a Filipino judge — and only before a Filipino court,” pahayag ni VP Duterte.

Sinabi pa ng bise presidente na hindi siya lalahok o magiging parte ng isang prosesong hindi lamang magsasadlak sa kahihiyan sa bansa kundi dudurog din sa dignidad ng mga huwes, korte, at buong justice system ng Pilipinas.

Diin pa nito na huwag dapat ipahiya ang bansa sa buong mundo sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga dayuhan na manghimasok at makialam sa Pilipinas.

“Ang kahiligan na magpailalim sa mga dayuhan ay sampal sa mga bayaning Pilipino na nagbuwis ng kanilang buhay at lumaban para lang sa ating kalayaan.”

“Unahin muna natin ang Pilipinas,” pagtatapos ni VP Duterte.

Follow SMNI NEWS on Twitter