VP Sara, namahagi ng tulong mula sa AICS ng DSWD sa Naga City, Cebu

VP Sara, namahagi ng tulong mula sa AICS ng DSWD sa Naga City, Cebu

PERSONAL na tumungo si Vice President Sara Duterte sa Naga City, Cebu nitong Enero 15, 2024 upang ipagkaloob ang tulong-pinansiyal para sa transport sector room.

Ang tulong ay mula sa Aid to Individual in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ipinaabot din ang tulong sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) mula sa iba’t ibang sektor.

Ang TUPAD ay programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga sektor na naapektuhan ng kalamidad at iba pang sakuna.

Ibinahagi rin ng bise presidente ang programa ng Office of the Vice President (OVP) na “Mag Negosyo Ta ‘Day” sa Moalboal Public Market Vendor’s Association upang makatulong sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.

At bilang bahagi ng pagsasapuso ng Kapaskuhan sa tanggapan ng OVP, nagbigay ng kasiyahan ang OVP sa mga LGBTQIA+ community, rebel returnees, at mga persons with disabilities.

“Sa lokal na pamahalaan ng Naga City, taos-pusong pasasalamat sa inyong mainit na pagtanggap sa amin at sa patuloy na pagsuporta bilang bise presidente at kalihim ng kagawaran ng edukasyon,” saad ni Vice President Sara Duterte.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter