VP Sara, personal na binisita ang burol ni NegOr Gov. Degamo

VP Sara, personal na binisita ang burol ni NegOr Gov. Degamo

PERSONAL na dinalaw ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang burol ng yumaong Negros Oriental Gov. Roel Degamo sa kaniyang hometown sa Siaton, Negros Oriental.

Sa kaniyang social media post, ipinapaabot ni VP Sara ang kaniyang pakikiramay sa pamilya at kaanak ng gobernador at ng 8 pang sibilyan na nasawi sa nangyaring trahedya.

Matatandaan na nauna ng kinondena ni VP Sara ang pagpatay kay Degamo at ipinag-utos sa mga awtoridad na dapat maibigay ang hustisya sa pamilya ng mga namayapa at pagbayaran ng mga suspek ang kanilang krimen.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram