NILINAW ng Philippine National Police (PNP) na apat na pulis lamang ang nakatalagang security detail ng napaslang na si Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ito sana ang ipapaliwanag ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety ngayong araw ngunit nakansela.
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, dalawa sa security detail ni Degamo ang naka-off dahil sa palitan ng duty habang ang isa ay na-late dahil sa family gathering kaya isa lamang ang naka-duty nang mangyari ang insidente.
Una nang tiniyak ni General Azurin na walang mangyayring cover-up sa kanilang imbestigasyon at pananagutin ang may kagagawan sa karumal-dumal na krimen.
Napag-alaman din na si Degamo mismo ang pumili sa kanyang security detail.