VP Sara, pinangunahan ang annual celebration ng “Bisita Sacada” sa Negros Occ.

VP Sara, pinangunahan ang annual celebration ng “Bisita Sacada” sa Negros Occ.

PERSONAL na bumisita at nakipagpulong si Vice President Sara Duterte sa mga sacadas (migrant sugar laborers) mula sa Antique na nagtatrabaho sa tubuhan ng Negros Occidental.

Sa pagbisita ni VP Sara nitong Huwebes, Nobyembre 16 ay personal itong nag-abot ng tulong sa 300 sugar migrant laborers.

Ayon kay VP Sara ay nais nitong personal na kamustahin at batiin ng maagang Maligayang Pasko ang lahat ng mga manggagawa.

Iginiit din nito ang patungkol sa edukasyon at kapayapaan na isinusulong para sa mga kabataan at ang kampanya laban sa mga makakaliwang grupo.

Nagpapasalamat ang bise presidente sa pagkakataon na kaniyang nakausap ang mga ito nang personal at nabigyan ng maagang Pamasko lalo na at naikampanya ang laban kontra sa New People’s Army (NPA) dahil may iilan pang natitirang makakaliwang grupo sa Negros Island.

“Dala namin ang mensahe ng edukasyon at kapayapaan. Sumama kami sa kanila para tanungin kung kumusta na sila, para batiin sila ng Merry Christmas, at namahagi din kami ng mga regalo. Nagpapasalamat ako sa pagkakataong makausap sila. Nakapag-campaign din ako laban sa New People’s Army dahil alam naman natin na iilan pa sila dito sa Negros Island,” ayon kay VP Sara Duterte.

Sa pamamagitan ng “Bisita Sacada”, ang pamahalaang panlalawigan ng Antique ay naghahatid ng mga serbisyo sa mga migranteng manggagawa ng asukal sa panahon ng Kapaskuhan at kumukunsulta sa mga opisyal ng gobyerno ng Negros Occidental at mga may-ari ng plantasyon ng asukal upang masiguro at mapabuti ang kalagayan ng trabaho ng mga manggagawa.

Sa huli, nagpasalamat din ang bise presidente sa mga kababayan sa Negros Occidental na patuloy na sumusuporta sa Office of the Vice President (OVP).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble