PINAGMUMULTA ng $35,000 si Paul George ng Los Angeles Clippers dahil sa pambabatikos nito sa officiating referees ng kanilang latest game kung saan natalo sila kontra Denver Nuggets sa iskor na 111-108.
Pinagbabatayan ng multa ang sinabi ni George na maganda naman umano ang naging performance nila sa game subalit hindi niya maintindihan kung bakit nagmimistulang may pinapaboran o pagkukulang ang officiating referees.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na pinagmumulta si Paul George dahil sa pambabatikos ng officials ng NBA.
May history na ito na pinagmulta rin ng $35,000 noong Pebrero 2020 at Marso 2021 dahil sa kaparehong rason.