ISASAPRAYORIDAD sa bakuna kontra pertussis o whooping cough ang pinaka-“vulnerable” na sektor sa lipunan.
Kasama sa tinutukoy rito ang mga sanggol na anim na linggong gulang pa lamang.
Sa ngayon ay nasa 64,400 vaccine shots na ang naiturok sa mga kabataan.
Maliban sa mga kabataan, inirerekomenda rin ang pagpapabakuna ng mga kabataan, nakatatanda at buntis na mga ina laban sa pertussis.
Ayon sa Department of Health (DOH), inaantay na nila ang pagdating ng tatlong milyong pentavalent shots na magbibigay proteksiyon hindi lamang sa pertussis kundi maging sa diphtheria, tetanus, Hepatitis B at Haemophilus influenza type B.