WALANG siyentipikong katibayan ang sinasabing huwag magsuot ng madidilim na damit tuwing tag-ulan para hindi maakit ang mga lamok at maiwasan ang dengue.
Sa paliwanag ni Dr. Maricar Limpin, Medical Specialist IV ng Philippine Heart Center sa panayam ng SMNI News, ang pinakaimportante para hindi magkasakit ng dengue ang maiwasang magkaroon ito ng breeding ground o pamumugaran.
Binigyang-diin din ni Dr. Limpin na pinakamainam pa rin ang dumiretso at magpakonsulta sa mga doktor kung nakararanas ng sintomas ng dengue.
Huwag na idaan sa self-medication para mas ligtas ang buhay ng isang nagkasakit.
Samantala, nilinaw ni Dr. Limpin na maaaring paulit-ulit na tamaan ng dengue ang isang tao dahil may apat na strain ito.