BINATIKOS ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang walang sistema sa ilang registration office ng Commission on Elections (COMELEC).
Ito ay matapos makatanggap ng reklamo ang butihing Pastor kung saan limitado lamang ang ina-accommodate ng mga kawani ng COMELEC sa kabila ng siksikang pila ng nais na magparehistro.
Ayon sa butihing Pastor, sitting pretty lang ang ginagawa ng mga ito at nagsisimula na naman ang pagpapakita ng bad governance.
Partikular na sinita ni Pastor Apollo ay ang panghihikayat ng COMELEC sa mga Pilipino na magparehistro ngunit bulok ang sistema nito sa oras na dumadagsa na ang nais magpalista at pinabalik-balik pa ang mga ito sa kanilang opisina.
Tinukoy rin ng butihing Pastor na ang ganitong pamamahala ng gobyerno ang nagiging daan kung bakit nagiging rebelde ang ilan.
Iminungkahi naman ni Pastor Apollo na tularan ang template ng pamamahala ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.