Warrant of arrest vs. Pastor ACQ, mitsa sa pagsiklab ng People Power—MNLF

Warrant of arrest vs. Pastor ACQ, mitsa sa pagsiklab ng People Power—MNLF

WALANG pagdadalawang-isip na inihayag ng mataas na lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) na posibleng mag-udyok para magkaroon muli ng People Power sa bansa ang pagpapaaresto kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

“It’s a warning. Kung talagang ituloy nila ‘yan warrant of arrest kay Pastor Apollo C. Quiboloy, this will trigger a People Power,” ayon kay Roland “Aziz Monk” Olamit-Secretary General for Political Mobilization and Current State Chairman MNLF, Davao City.

“This might trigger People Power, alam, ‘di man pwede pagtakpan ‘yan, alam na ng buong mamamayan ng Pilipinas kung ano ang tama at ano ang mali, hindi na pwedeng ma-deceive nila ‘yan, so ako I’m praying na magkaisa na ang taumbayan, ang Pilipino magkaisa na,” dagdag ni Olamit.

Ito ang naging pahayag ni Roland “Aziz Monk” Olamit, Secretary General for Political Mobilization and Current State Chairman, MNLF ng Davao City sa nangyayaring panggigipit ng Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ sa pamamagitan ng pagpataw ng warrant of arrest.

‘Di lubos akalain ni Aziz Monk na gagawin ng Kongreso sa butihing Pastor ang kaniyang maituturing na unconstitutional na warrant of arrest dahil imbes na in aid of legislation ay nauwi ito sa in aid or persecution.

Hindi na aniya umano sakop ng mga mambabatas sa Kamara at Senado ang kanilang panggigipit kay Pastor Apollo at sa SMNI na natatanging media na kilalang may lakas na loob na pumuna at magsiwalat ng katiwalian sa kasalukuyang administrasyon.

Kabilang sa mga pangunahing nilalabanan ng butihing Pastor ay ang CPP-NPA-NDF na nasa loob ng pamahalaan, ito ay si Arlene Brosas ng Gabriela, Raoul Manuel ng Kabataan, at France Castro ng ACT Teachers na miyembro sa Kamara.

Sa kabilang banda naman ay kilala ang Akbayan na ginagamit ng komunistang teroristang grupo sa kanilang mga propaganda na inirerepresenta ni Sen. Risa Hontiveros.

Kapansin-pansin din aniya na ang mga miyembrong nabanggit sa Mababa at Mataas na Kapulungan na nagdiin para sa warrant of arrest ng butihing Pastor ay may kaugnayan sa naturang teroristang grupo ng CPP, na pilit na nilalabanan ni Pastor Apollo katuwang ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“’Yung NTF-ELCAC alam ng buong mamamayan, the Armed Forces of the Philippines at sa ating mga PNP, malaking tulong ang ginawa ni Pastor Quiboloy for supporting the program NTF-ELCAC against communism, against etc. now the current situation nagbago, nagbalik ang peace negotiations,” diin ni Olamit.

“’Yan palang sa pagtulong niya sa NTF-ELCAC, nakita ko ang sinseridad, ang laki talaga ng tulong niya sa ating bayan,” aniya.

Sa huli ay wala nang pasintabi na sinabi ni Aziz Monk na kabilang ang buong Bangsamoro sa nabudol ng kasalukuyang administrasyong Marcos Jr.

“Anyway, in my personal mukhang nabudol, nabudol tayo, nabudol ang buong Bangsamoro diyan, because the chairman has expected na i-recover ni BBM ang bad image na nangyari sa father niya, the late president,” pagtatapos ni Olamit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble